MGA BAGONG SALAWIKAIN
email lang ng officemate ko
Ang buhay ay parang bato, it's hard.
Better late than pregnant.
Behind the clouds are the other clouds.
It's better to cheat than to repeat!
Do unto others ... then run!!!
Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.
Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa lasing na bagong gising.
When all else fails, follow instructions.
Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.
To err is human, to errs is humans.
Ang taong nagigipit ... sa bumbay kumakapit
Pag may usok ... may nag-iihaw
Ang taong naglalakad nang matulin ... may utang.
No guts, no glory... no ID, no entry.
Birds of the same feather that prays together ... stays together.
Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.
Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.
Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan. ... ay may stiff neck.
Birds of the same feather make a good feather duster.
Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.
Huli man daw at magaling, undertime pa rin.
Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment
Matalino man ang matsing, matsing pa rin.
Better late than later.
Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.
Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!
No man is an island because time is gold.
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto ... muta lang yan.
Kapag ang puno mabunga ... mataba ang lupa!
When it rains ... it floods.
Pagkahaba haba man ng prusisyon ... mauubusan din ng kandila.
Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.
Batu-bato sa langit, ang tamaan ... sapul.
Try and try until you succeed... or else try another.
Ako ang nagsaing . iba ang kumain. Diet ako eh.
Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.
Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.
If you can't beat them, shoot them.
An apple a day is too expensive.
An apple a day makes seven apples a week. (really expensive)
isinulat ni anak ng mahirap noong
Monday, January 29, 2007 || 1:13 AM
1 Yumaman na!
*Gusto mo yumaman?!
sAmE DiFfERenCe
May officemate ako na di naman nya sinasadya pero mali talaga lyrics nung kinakanta nya...
hoy _________________ peace tayo ah!
share ko lang sa kanila
;))
one day sa kainitan ng regression testing namin biglang bumanat astig pare!
Ang Pag-ibig Kong Ito
officemate: kaya't sa may Kapal tuwina'y dalangin ko... sana'y
patawarin mo at magbagokami: ? ano daw? (tawa na ng tawa)
O Holy Night
officemate: o holy night the stars are
shining...shiningkami: ? ahahaha (tawa na pinipigil ang hirap nito!)
A Whole New World
officemate: A whole new world, don't you dare close your eyes, a hundred thousand things to see, hold your breath - it gets better,
I'm not a superstar,I've come so far
kami: ? (1) - talagang hindi ka superstar (2) - oo nga noh? (3)- ahahaha (siguro ilang minutes din ang tinagal ng tawanan)
;) peace tayo! labs naman kita eh!
isinulat ni anak ng mahirap noong
Thursday, January 25, 2007 || 11:46 PM
1 Yumaman na!
*Gusto mo yumaman?!
Hay...gusto ko bumalik dito!
Nung October 17 ata ito of 2006 [hahaha tagal na pero gusto ko lang ishare at ipakita ung pictures] para masabing sosyalera kami hahaha. ang sosyal naman kasi dito napakamura pala ng member ship dito [300,000 pesos] wohaaa! ilang taon ko kaya yung pagpapaguran?
pumunta kami dun for outing at shempre bonding with the officemates...sa clark ito . una may mga amazing race kami pero shempre dahil kasama ulit ako sa committee, di ako kasali sa laro kami lang ang nag-organize [at nakakapagod ah!] pero sulit kasi nag-enjoy naman sila heheh!

bakit sha tinawag na clearwater? ay yun ang di ko alam hehehe. pero totoong clear ang water dun... artficial ata ung bodies of water. meron lake tapos 3 pools. sosyalan kung sosyalan! ang daming tubig hahaha!

yup meron nga nyan! nakalimutan ko yung tawag jan pero ayus jan.. kasama ko nung nagtry ako nyan si ces naku di ko sha ganong pinagagalaw kasi feeling ko tataob kami pag ginawa nya un... aba mahirap na nuh! malay ko ba kung may buwaya sa ilalim nyan?! hindi pa naman ako bihasa lumangoy mahirap na!

ayan pa ung isang pool hehehe

eto pang isa



wohaaaa! extra pa si aileen oh! at ang kanyang payong hehehehe!

shempre ang officegirls...

ooopss di ko po yan car! sa manager ko yan kay ms my hehehe lagi lang nakikisakay pero di po akin yan!
nag-overnight kami jan at sana makabalik kami ulit hehehe. :D
isinulat ni anak ng mahirap noong
Monday, January 15, 2007 || 1:43 AM
1 Yumaman na!
*Gusto mo yumaman?!
Bagong taon na! Magbago ka na!
Hay nako! Bagong taon na! Hehehe nung bagong taon nagdiwang kami sa aming bahay nung pasko kasi (sorry po Jesus) natulog kasi kami magpipinsan. sa pampanga kami nag-Pasko ayun eh sama-sama kaming magpipinsan so nagkwento-kwento ayun sabi wala daw tulugan. Hanggang sa 11:30pm na ay nagsasalita pa kami lahat, maya-maya dinalaw ng antok ayun kahit halos gibain na ang hinihigaan namin nung 12mn na eh wala pa ding gumising (ang alam ko nun eh nag-cr pa ako dahil plano kong kumain hehehe) pero nagising na lang ako 7am na ng dec 25 at kelangan na naming magsimba. may cute kasi dun sa simbahan sa pampanga kaya dinadayo ko yun kahit iba ang dialect at yung ibang sinasabi ng pari ay di ko maintindihan ayus lang. hehehe.
nung new year naman ayun mega paputok ang aming mga kapitbahay (madami silang pera ah) kaya nakikinood at nagtatakip na lang ako ng tenga dahil sa lakas ng pasabog nila at nagtakip na din ng ilong sa tindi ng usok halos maluha na nga ako sa tindi. at sunod-sunod na ang text na nareceive ko heheh lahat bumabati saya naman!
kahit yung iba na minsan lang magparamdam eh talagang nagtext (buti pa sila, samantalang yung hinihintay kong magtext - nag jan 2 na di man lang bumati (up to now ah take note)
kaya sumagot na lang ako nito...
What did you do in 2006 that you'd never done before?
bago mahiwalay ang taon, pare nagsabog kami ng kiat-kiat sa pinto astig db?
Did you keep your New Years' Resolutions?
Ay nako wala di ko naman tinutupad yan!
What would you like to have in 2007 that you lacked in 2006?
more friends and more money
Did you suffer illness or injury?
hay nako! may sakit daw ako sa tiyan!
What was the best thing you bought?
bumili ako ng dvd para sa akin (nafrustrate ako dahil di ako nanalo sa raffle) saka nagpagrocery ako (pero nabigla ata ako mukhang malaki babayaran ko sa citibank next month)
Where did most of your money go?
pagkain!
What song(s) will always remind you of 2006?
Hawak Kamay - yan lagi naririnig ko
Compared to this time last year, are you:
happier or sadder? happier
thinner or fatter? fatter shempre hahaha
richer or poorer? may natitira naman kahit piso
What do you wish you'd done more?
More space nga sabi ni jaja! hahaha!
What do you wish you'd done less of?
mag-effort pero wala din di kasi sinabi agad sana di ako nagmukhang tanga ehehe - bitter
What was your favorite TV program last 2006?
let's go ehehe dinadownload ko pa yan
Do you hate anyone now that you didn't hate this time last year?
patay tau jan - sha yata galit sa akin dinededma ako hehehe
What was the best book you read?
harry potter shempre ulitan ito!
What was your favorite film of this year?
hmmm pirates of the carribean shempre!
What did you do on your birthday, and how old were you?
sa bahay lang nagluto ang aking ina
What one thing would have made your year immeasurably more satisfying?
buhay pag-ibig din!
What kept you insane?
pag harap ko ng salamin ay may makikita akong pimple!
Tell us a valuable life lesson you learned in 2006:
Always make your absence felt… in such a way that somebody misses you… but let not your absence be so long that somebody starts learning to live without you.
What was the nicest thing someone told you about yourself?
cute ng smile mo hehehe *blushes*
The most touching experience you've had this year?
sabi sa akin ng isa kong friend: 'ang lakas mo sa akin, kung alam mo lang.' (pero ngayon napakamalas ko naman kasi ang lakas ko pala sa kanya pero di naman nya ako pinapansin hehehe)
What did you like most about yourself this year?
matatag pa din ako after all
What did you hate most about yourself this year?
hmmm...di ako marunong magbudget :((
Quote a song lyric that sums up your year:
"Sasakay ako sa aking pangarap basta ang kasama ko'y ikaw, may liwanag"
Was 2006 a good year for you?
oo naman kahit pano
What was your favorite moment of the year?
nagpunta ako sa clearwater country club sa clark at nagmuni-muni
What was your least favorite moment of the year?
yung nakaharap ako sa computer at di ko alam kung ano uunahin kong gawing activity ung sa npbs ba or ung sa cua
Do you have a New Year's Resolution for 2007?
wala!
Did you miss anybody in the past year?
si jaja shempre! oo naman jaja namiss kita noh!
What was your favorite record from 2006?
start of something new
How much money did you spend in 2006?
waah! wag mo na itanong!
If you could go back in time to any moment of 2006 and change something, what would it be?
wala. i know everything happens for a reason
How are you different now that the year has ended?
mas matatag ako at mas makapal ang mukha (tama ka jaja!)
What are your plans for 2007?
Madami din kaso ayoko madisappoint kaya isa isa muna!
isinulat ni anak ng mahirap noong
Thursday, January 11, 2007 || 1:02 AM
0 Yumaman na!
*Gusto mo yumaman?!
Parang kelan lang
Sanstone Xmas Party
Nung Dec 15 [ata] (memory gap ito) naganap ang aming xmas party. Asus kay gulo! hehehe!
xmas party chorale - ayus ito after days of practice...nagperform din kami hehehe. ayun nagsasayaw lang kami sa gitna ng mga tao at di ko na marinig kahit sa video ay nagsisigawan pala sila ng mga panahong iyon hehe wala akong marinig kasi iniisip ko na sana matapos na at nangangatog na ako! abay akalain mo di naman ako ganun dati pag magpeperform (naging member naman akong ng theater guild pero pag nasa stage naman eh kabisado ko naman ang sinasabi ko at confident ako) pero itong nangyari, cheese and rice! walang sinabi ang tambol sa kabog ng dibdib ko at kahit north pole mahihiya sa temperature ko nung nagsimula iplay ung cd na binigay ko kay manong bago kami magperform! langya para akong nafreeze buti na lang mejo madilim (i mean madilim talaga) kasi kung hindi baka kung anong mukha ang ma-capture ng video susme! ang kaba ko nun astig!
ito nga pala mga kagroup ko nun!

nga pala talo kami! hahaha!
games - naggames kaso di kami pwede sumali - kasama po sa organizers eh ayun panis! hehehe nag-body language game - yung isusulat mo ung letters sa likod ng kagrup mo para mabuo ang word na binigay sa inyo pero gamit siko langya nandadaya na ako nito eh... tinuruan ko ung isang team shempre friendship ko ung mga andun.. ehehehe

bakit parang nakiliti ata si obi dito sa pic na ito? hmm ganda ng hair ko ah hehehe!
next nilaro yung pinoy henyo (yup yung sa eat bulaga) astig itong game na ito nafrustrate ako sa pagpapahula ampotah gusto ko na ibulong yung sagot eh!

raffle - in fairness naman nanalo ako ng rice cooker hehehe :P
exchange gifts - ahehehe binigyan ako ni mighty mike ng cute na bag from heartstrings thanks mike!
and shempre mawawala ba ang group picture?
isinulat ni anak ng mahirap noong
0 Yumaman na!
*Gusto mo yumaman?!
Bowling naman!
Naghahabol ako ngayon. Hehehe! Pano naman ang tagal kong napag-iwanan! Nakows!
Kasabay nga pala ng badminton namin ay bowling. Dito mejo nakabawi kami. Hehe! Sa galing ba naman ni Obi Macapuno eh aba napag-iwanan sila. Best Male bowler ba naman kakampi mo pag di pa tumaas score nyo ewan ko na lang.

at sa huli... di pa din kami champion pero first runner up kami heheheh
pero at least may trophy...

enjoy naman kahit ginagabi na ng uwi...
nakakagigili kasi ubusin ung mga parang boteng nasa dulo ng lane... parang nang-aasar eh yung tipong 'sige nga patumbahin mo nga kami!' tapos sa sobrang gigil mo na pag nirelease mo yung bola eh biglang buwisit sa kanal pala pupunta! kainis! hmp!
isinulat ni anak ng mahirap noong
Wednesday, January 10, 2007 || 9:27 PM
0 Yumaman na!
*Gusto mo yumaman?!
Musta friends?
Hala? Kumusta naman at ngayon lang ako ulit nag-update ng blog?
Wahehe!
Aba sige karerin natin ang badminton! Every week nagbabadminton kami ng friends ko sa proj 7. Wala lang trip lang kasi madami nahihilig dun eh. Aba kita mo nga naman nakaka-adik nga tlg! ikaw ba naman manggigil sa shuttle cock tapos pag hampas mo ng raketa eh wala ka palang mahahagip dahil nagkamali ka ng tiyansa at ung shuttle cock ayun nasa sahig hehehe!
at sa kasamaang palad, nagkaron ng sports fest ang company namin! dahil siguro sa kaingayan namin na mag-aya ng badminton eh mga di naman kami marunong! hahaha! kaya ayan no choice nagkabunutan ng team members.

at pag sinusuwerte ka nga naman tlg! ayun napunta ako sa pinakamagaling na group hehehe! 3rd runner up kami biruin mo? eh sa apat na naglaban nakakuha pa kami ng place?
ayun may trophy daw kami pero hanggang ngaun d pa namin natatanggap eh kaya picture na lang muna. hehehe!
isinulat ni anak ng mahirap noong
0 Yumaman na!
*Gusto mo yumaman?!
mark, totoo pala!
Naging fan ka ba ng Westlife?
Walang magbabato ng kamatis ah kaliligo ko lang. Hehe.
Hindi ko alam kung ano pinaggagagawa ko at hindi ako nakakuha ng news grabe.
Yup as in sobrang huli ako!
Gay pala si Mark Feehily. Haha!
As in grabe natulala talaga ako sa article na nabasa ko sa wikipedia.com
*sigh* *sigh* *sigh*
Bf pa nga nya si Kevin McDaid *tawa*
Buti pa sha may bf. Haha! Ang haba ng hair nya.
Hmm… Ok lang. Maganda naman boses saka gwapo pa… Bading nga lang *sigh ulit*
Ok lang ung iba nga jan lalaki nga… Gwapo ba? Magaling ba kumanta?
Ok lang ito! Pipikit na lang ako at kakalimutan na umamin na sha. ;))

Grabe tingin pa lang… Bading na bading na. Hehehe. ;)
isinulat ni anak ng mahirap noong
Friday, August 25, 2006 || 1:58 AM
7 Yumaman na!
*Gusto mo yumaman?!
Ooops! Guy?
Puslit lang ito busyness kami. Grabe ang project! Ahuhu!
Bago ang lahat, gusto ko munang humingi ng kapatawaran kay jaja. Dahil hindi ako nakarating sa birthday celebration ni jaja kasi di ko matanggihan yung general manager namin eh. Sorry po bday nya din kasi. (public apology lang po)
Ayan sana peace na kami ni jaja. Kaya lagi akong offline kc nahihiya ako baka makita nya ako pagalitan nya ako.
Sa kabilang dako naman, napanuod ko ang Pirates of the Caribbean. Ewan ko ah pero sa tingin ko maganda naman. Love ko kasi si Johnny Depp (ooops! Walang kokontra! Kaliligo ko lang!) I love you Johnny Depp! Hehehe.
Share ko lang. May guy akong textmate for 2 years na siguro. Actually, di naman talaga sya ibang tao sa akin. Magkaskul kami nung high school. Nagkikita kami once in a while. Manunuod kami ng sine pero mas madalas nanghihiram sya sa akin ng book gaya ng harry potter books. Nakakagulat pero bihira lang sa guy ang nagbabasa ng book eh d b ang kapal ng books ng hp? Kaya natuwa ako sa kanya pinahihiram ko sya. Ayun friends kami. Super close na kami. Pero sa kalokohan lang saka sa mga lakad ng tropa pero never kami nagkukwentuhan tungkol sa buhay pag-ibig namin. Pero ok lang d nga napasok sa isip ko yun na itanong sa kanya. Di rin naman sya nagtatanong sa akin. Eh di walang problem.
One day, nagtext sya sa akin. Nangamusta. Tapos sabi nya matagal na din kami di lumalabas. Oo nga, ngayon ko lang naisip yun. Hehehe. At gusto ko pa naman ang panunuod ng sine. Ang kapal ko! Ako ang nagyaya sa kanya manuod ng sine. Haha! Pero nagreply naman sya na yayayain naman nya daw talaga ako. Ay sows natuwa ako kasi sa wakas makakanuod ako ulit ng sine! Kaso lang naisip ko baka isipin nya dahil ako nag-aya ako manlilibre! Haha! Kinabahan tuloy ako kasi naisip ko wala akong pera! Pero mukhang nakaramdam sya ng konting kaba sa aking dibdib. Abay akalain mo nagtext sa akin ulit at nakalagay: ‘Sagot ko’. Ayus! Panalo! Haha! Kulang na lang replyan ko na sagot mo na din pati food. Haha!
Bago nung day na yun, nagtext sya sa akin. Akalain mo dawn a nagbasketball sya tapos injured daw sya at nasa orthopedic ng mga panahon na iyon. Syempre kinabahan ako! Lumabas daw yung buto nya sa left leg nya. Shocks! Ano naman naisipan nya at gusto nya at sinusubukan nyang di makalakad? Tapos sabi nya sa akin, puntahan ko daw sya sa orthopedic para daw magkita kami. Eh di syempre ang maabagin kong puso, pumayag na din ako. Kahit di ko alam ang orthopedic! Waah! Pero ok lang basta sabi sa akin ni john sa banawe daw yun. Uuwi lang sana ako ng bahay para magpalit ng damit at pupuntahan ko sya sa orthopedic. At naalala ko na kinabukasan yung panonood namin ng sine! Ayyyy, di matutuloy. Sabay reply sa akin na did aw yun totoo. Gusto lang daw niya malaman kung talagang pupuntahan ko daw sya sa mga ganung pagkakataon. Asus ang drama! Buwisit! Hmp! Pero ok lang kasi tuloy naman ang sine kinabukasan. Hehehe.
Sinundo nya ako sa Sto. Domingo siguro bandang 530 ata. Kasi nga naman nagsimba pa kami ng kapatid ko. Nung nagkita kami dun, pumara agad sya ng taxi. Tapos ako naman sakay. Hehehe. Tapos sabay tanong: ‘San tayo?’ Astig db? Joy ride ito. Hehe. Sabi nya sa sm manila na lang daw kami. Ok lang sagot ko. Ayun nasa sm manila na kami, tinanong nya ako kung ano gusto ko kainin. Pero mukhang may craving sya sa Mcdo so dun kami bumili ng food. Bumili sya ng quarter pound burger, iced tea, fries saka may sundae pa kami. Langya sabi ba naman sa akin, gusto mo pa ba umorder ng iba? Hello? Ang dami na kaya nun! Ang laki ng fries saka iced tea. Tapos may sundae pa? Hala, iniisip kong giginawin ako sa loob ng sinehan. Imagine, black naka-skirt ang lola mo with flowery flesh blouse! Panalo! Haha! Pang-date lang po yung mga ganung damit ko. Ok cge and dami nyang dala. Syempre nuh! Alangan naman na dalhin ko yun? Hmp!
Sayang nga lang napanuod na nya sa sine yung superman, hmp! Nahiya naman ako na ipaulit sa kanya at yun na lang panuorin naming. Eh sakto yung screening ng scary movie 4 o eh di yun na nga lang. Ano pa nga ba magagawa ko? Pumila na. Saka wala akong balak na magbayad. Hehe, nagpapalibre lang ako. :
Pumasok kami sa sinehan after naming bumili ng ticket. Actually, sya lang pala yung bumili hehehe. Grabe nakonsyensya nga ako kasi nagpakahirap sya na kunin yung wallet nya eh kasi ayaw nya ibigay sakin yung iba nyang dala. So ayun pumasok na kami. Pero dahil naaawa na ako sa kanya, kinuha ko na yung fries at sundae sa kanya. Sa taas kami, gusto ko sana sa kaduludulahan at kasuluksulukan kaya lang sabi nya dun na lang daw kami sa bandang gitna.
Hinawakan nya ako sa left arm ko nung una. My gosh! Akala ko mag-fifeeling lola ako all night. Na parang inaalalayan ako na di ako makalakad. Haha! Pero nung tumapat na kami sa row na gusto nya. Hinawakan na nya ang kamay ko. *kilig* Nagulat ako pero di ako bumitaw. Naisip ko nung una. WHY? Pero nung sumunod na mga segundo. Parang natural na lang. As in wala lang. Simula nun di na kami talaga bumitaw ng kamay. Ang awkward talaga! Kasi kahit hirap na hirap sya na kumuha ng food, parang ok lang sa kanya. Hawak-hawak nya pa din ang kamay ko. Di ko rin naman sya binibitawan. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ngayon ko lang talaga sya napansin. I mean, dati friends lang talaga kami. Lumalabas kami na parang wala lang. Tropa lang. Pero iba feeling nung ngayon. Masaya na nakakakilig. Sa buong time na nanunuod kami, tawa lang sya ng tawa. Naisip ko nga parang ang babaw naman nitong taong ito, pero parang super natural yung tawa nya. Bihira ko lang sya naririnig ng ganun. Siguro nga nakakatawa yung palabas, or may iniisip lang ako na iba. Ewan, di ko din alam. Siguro, ganun talaga sya. At ngayon ko lang din ulit yun napansin.

Natapos yung palabas, after nyang lumabas sa comfort room, nilapitan nya ako. Tapos, kinuha ulit yung kamay ko. Nung una, natakot ako. GOSH! Pano kung may naligaw akong pinsan dito? Or worst, kapitbahay namin! Shocks! Ayaw ko na! Kaya naisip ko na kumalas, pero unti-unti lang. Tipong lalayo ako at may ituturo (hanep sa style nuh) pero parang patay-malisya, inayos nya ulit yung kamay namin. Kaya naisip ko na totoo nay un. Ayaw nya talagang bitawan.
Nadiskubre ko na malakas din pala syang kumain. Imagine, tinalo nya ako. Parang cotton candy lang kung isubo nya ang pizza. Hahaha! At halos maubos nya nga din yung inorder namin. Pero parang ok lang. Naisip ko, kaya ko palang maging natural sa harap nya. Ang dami ko din nalaman tungkol sa kanya. Siguro nga, ngayon ko lang sya napansin.
Umuwi naman ako ng Masaya. Ewan ko kung bakit. Pero masaya ako. Totoo.
Ikaw? Napapansin mo ba ang iba?
isinulat ni anak ng mahirap noong
Thursday, July 20, 2006 || 1:15 AM
3 Yumaman na!
*Gusto mo yumaman?!